Lyrics

[Back]

We The North

HOOK:
Got some day one homies on the east side
Couple of real ones from the west side
Shout out to the goons in the south side
If you feelin' this tune we gon' test drive
Get High

Kami ang mga Itim na Tupa.
Mag sisilbing hiling dito sa Lupa.
Anong huling hiling mayron ka?!

We the North (x4)

Kayat hinding hindi palalampasin,
Bawat sugat aming lalanggasin,
Magsisilbing ilaw at asin,
Sa yaman ng tanim dun ka magigising!

VERSE 1
Salamat sa tyansa
sa nakaka-unawa
sa nakaka-kilala
na hanggang sa ngayon nakaka-ala-ala
Paalala ko lang ako parin to
sumulat na tulad ng mga iniidolo
nakalingon palagi sa pinanggalingan
at naniniwalang ang tagalog ay iikot ng mundo

Halikat lakbayin pangarap ng makatang alangan sa mata ng madla porket kakaiba!
Di alintana sa kanya lahat ng pangungutya, masasakit at negatibong salita!
Uhh
Mashadong malaki'ng nakasalalay.
Walang paki kung walang umalalay!
Ang pakay ialay ang buhay at magbigay pugay sa tunay, syang maging tulay sa makabuluhang buhay!

HOOK

VERSE 2
Landas na aking tinahak
Di inasahang musika'y kumalat
Mula hilaga, inumpisahan
Representa ko kababaihan

Sino ba kasi ang nag-sabi may limitasyon
At hangganan dapat ang galawan ng mga katulad ko?
Bandera ng kauri ko, dala ko sa entablado pagkapit ng mikropono

Hindi maipinta na para bang panahon
Aking kondisyon umaayon sa pag-ikot ng buhay.. Life goes on
Yan lagi ang nakatatak sa kokote
Ayos lang, lagi aming sinasabi

At saludo ako sa mga totoo pa rin sakin
Bawat pangyayari ay merong kahulugan
Isang leksyon lang ang katapat kung ikaw ay aming babasbasan

Coz we..

HOOK

VERSE 3
Move to Toronto in '96
Straight from Batangas I came
Unfamiliar with their ways, yet after the years
Look at the man I became
Yea I used to complain
Cuz Filipinos here never made it,
Too many haters here that I hated
Til my clique showed me my actions and way of thinking related
And now my mindset's elevated

I'ma tell ya'll what a book taught me
We only limited by the vision we see
But if what you dreaming is endless, stay true no pretending
You can do and be what you wanna be

And though we rock 'stars and the sun'
There's always more room in our heart than for one
A maple leaf's fed by the sun, the perfect symbolism
Both shaped us to whom we've become

We the North!

HOOK

VERSE 4
Nahuhulog ngayon ang mga dahon
Sangkapat ng taon, sakop ng nyebe
'Tas mga bulaklak biglang babangon
Sunod iinit na buong gabi
x2

Dinala ako ng aking magulang upang humusay ang buhay, hindi malimot ang tunay - yan tunay!

Kami ang mga Itim na Tupa.
Mag sisilbing hiling dito sa Lupa.

Panahon namin nagiibang kulay ngunit ang kulay ng balat mananatili yan, tunay! (Yan tunay)

Mag sisilbing hiling dito sa Lupa.
Anong huling hiling mayron ka?!

HOOK