Lyrics

[Back]

Quatro Uno Seis

HOOK:
Homie tell em where you from
(Pare quatro uno seis)
Black Sheepin' with my F.L.I.P.s
(Yea quatro uno seis)
We The North mother****er
(Woah quatro uno seis,
quatro uno seis, pare quatro uno seis)

Homie tell em where you from
(Pare quatro uno seis)
Black Sheepin' with my F.L.I.P.s
(Yea quatro uno seis)
We The North woah woah woah
(Woah quatro uno seis,
quatro uno seis, pare quatro uno seis)

VERSE 1:
Apat, isa, anim!
Tugtugin ng Itim na Tupa!
Mula sa pawis at luha!
Buhangin, tubig at lupa!

Akoy tapat.
Ratatatat! Sa huwad.
Bawat banat alamat,
Talamak sa bigat rehas ko,
kamadag ng hilaga to, latak mula sa ugat - Tdot!

I got that!
Like the human torch I'm about to turn up the heat
Rap is like a Bible all we aim to do is preach
The leaders of this game fin to drop another speech

We the only Filipinos jalapenos up in T.O.
delekado pag bumwelo
im just wylin' with mahh (ooohh ooo)

Bagong yugto! Ba't mo kinakalaban?
Nagmumukhang kontrabida ka lamang
Mentalidad mo medyo kinakalawang
Eto'y trabaho ko, hindi 'to libangan

Balak na malawak pinakalat (huh)
Samin tumagaktak mga pawis,
Di pinalad,lumagakpak..
Mga plano nyong hilahan palpak!

Kami ang walang paki sa mga opinyon
Kung mundo ay gubat, kami mga liyon
Di pinalalampas ang pagkakataon
Bawat galaw ay saksi ang Panginoon

HOOK

VERSE 2:
Watawat ng Pinas ay aming tinayo
Mula pa dito sa Toronto
Malubha ang tama, di 'to kayang ayawan
Pag kami bumanat, laganap lahat ay hawa sa kilusang aming binendisyonan

Talaga namang di lang basta basta
Kung umasta, pre kamusta
Lumabas na naman ang mga
Dalubhasa pagbumasa
Mas iba kesa sa
Hilig lamang lagi mangalipusta

Dito sa T.Dot, hahatakin namin ng walang patawad
Bawat kagawad namin ang bubungad sa lahat ng 'di tumutulad
Sumasambulat, nagulat ka saming mga simulat
Itim na tupa!

Up in the hood in Driftwood
We got that Kush named straight out the six
No lie every time that we high
You know we on to that next level shit

Meaning you facing the bosses
Our bars make you nauseous, approach us with caution
What we concoctin' ain't common
Failings no option we dropping dudes often like BRAPBRAPBRAP

'Itim na tupa' 'to pre,
Hindi maikukubli - kalibre napaka tinde, mas pa sa higante!
Pag angat namin mismo ang gante/higante!

Bangkay ng peke ay patong-patung!
Isipan koy apoy, diwa ko ang panggatung!
Taga mo sa bato, itoy susumpa ko!
Tatak mo sa noo, ito ang sumpak! Boom!

HOOK