Lyrics

[Back]

Tagumpay

[HOOK]
PIPOY
Gusto ko ng mag tagumpay!
Upang magbago ang aking buhay.
Hasain ang tinataglay!
At sa sarili ay maging tunay!

Magtagumpay! Yay! Yay! Yay! Yay!
Para makapag bago ng Buhay!
I-alay ang Tinataglay!
At pag palain ang mga Tunay!
Magtagumpay!

RAYGEE
Mama grew up with a silver spoon up there in Bicol
Bustamante was our lolo that mayor was racking c-notes
Instead of living rich she chose to work on the d-low
Instead of being spoiled she chose to go earn her piso

And my pops, both his parents hustled hard
If they didn't work for a day then the family would starve
Him and my titos told me growing up how they would struggle
And now they all bosses each running their own hustle

I've been inspired to build an empire
Under me they lit a fire, success is my desire
No rest til I retire, the quest for higher
Is what's pushing me to keep rolling down my chosen path just like a tire

(keep inspired)

On this rap tip I get it rocking,
If you down for this shit then pare let's get it popping
Sacrificing I've done often
Success maybe a choice to you to me it's not an option!

[HOOK]

RYDN
Lunes hanggang Linggo, tulog aking sakripisyo
Iniisip kung paano at gaano ang kelangan para buhay sigurado
Lalabas ko sa kwadrado
Ang mentalidad, para hindi lang ako puro plano

Dedikasyon at pasyon ang aking inilaan
Mundong aking pinasan balang araw gagaan
Sa pamamagitan ng himig kami ay papalarin
Araw ay darating may matatawag na kaming amin

Kasalukuyan, lubak ang dinadaanan
Lang atrasan, tungo sa magandang kinabukasan
Pundasyon ay ambisyon
At tagumpay naman mismong naging konkulsyon

Ano gagawin sa posisyon kung ika'y di angat
Magsumikap para sarili'y magka tatak
Yaman ko ang laman at pagkalawak ng aking utak
‘lang sino-mang makakasukat

[HOOK]

MAE JANELLE
Batang Mandaleño, disiplinado
Started from Manila now I'm in Toronto
No baby I don't take no favours
Pop taught me how to fish so you know I'm gonna live the good life
Got everything I need to do more than just survive
I got that drive that make you want me to be your wife
So baby better understand
Ako'y lalaban makakamtan din ang tagumpay

VZN
Sana pangarap ay mangyari na
Ang kayamanan at ginto mapasaakin na
Nagpatong patong ang binabayaran ng pera
Ilan sa 'sang buwan ang kailangan? Ilang dosena?
Gusto kong pagkapera kahit di gaano
Akong nagtatrabaho yung lagi lang 'tong kalmado
May mga bebot na nag papalitrato
Habang nasa loob ng Lambo
Tas naalala ko bigla ang sinabi sa akin ng aking ina
Wala sa 'yong magaabot ng tagumpay
Kundi ang sarili mong kamay aking panganay
Kung hindi baka manganib at may tyansa na magsisi
Pag tiyagaan baka makatsamba't mapili
Ng kapalaran kahit titigan ka
Wag talikuran ang mata ng tigre!

[HOOK]